Thursday, November 5, 2009

Wagas Hanggang Wakas By: Martin Ibarra

Sa laot ng buhay at libong pagtitiis
Kalong ng pighati’t madlang pananabik
Yan ay nakukuyum sa ubod ng dibdib
Isang pananabik na di napapatid

Sa araw at gabi’y lagging namananglaw
Alipin ng dusa’t libong agam-agam
Sa pisngi ng langit aking tinatanaw
Ang bukas at hapong payapang lumisan

Sana’y dumating na ang nalayong lingap
At mga pagpapala ng pagsintang wagas
Matiyagang nabibilang ang saglit at oras
Sa laki ng dusang ngayo’y dinaranas

Maasahan sintang ako ay darating
Sa dating pugad ng bigong paggiliw
Mangyayari’t gagampanan kung iyong hihilingin
Pagkat mahal kita magpahanggang libing

Hanggang wakas ako pa rin hinding-hindi magbabago
Yan ay sumpa’t panata niyaring aking puso
Pagtataksilan mo man ako’y layuan mo
Hahanapin pa rin kitang puso’y nagdurugo

0 comments: