Wednesday, November 4, 2009

Mahal Kitang Tunay By: Martin Ibarra

Nagduyan sa tamis nahimbing sa sarap
Sa isang paghangang lipus sa pangarap
Ako ay alipin ng ganda mo’t dilag
Mandi’y nagdaramdam kung di ka mamalas

Mga ilang saglit na malayo ka
Parang maglalaho ang abang hininga
Dalo’y ng pighati ng bigong pag-asa
Ay aalipin yaring alaala

Kung kapiling kita’y may laya ang halik
Malaya ang bulong ng isang pag-ibig
Sa ubod ng puso’y hindi ko malirip
Ang kaligayahang naghaharing labis

Ngunit isang araw aking napagmasdan
Mga tululot mo’y biglaang napigtal
Sa tindi ng dusang hindi mapigilan
Ay nadampot kita’t minsan pang hinagkan

Ngayon ay wala na ang ganda mo’t rikit
Niluoy ng unos na lubhang mabangis
Lantang-lanta ka man sana ay making
Tulain ka’t diwa ng aking panitik

0 comments: