Magbuhat pa nang malayo sa piling mo aking mahal
Itinitik sa tulain ang bakas ng nakaraang
Pagtitiis sa hapdi ng pagdurusang pinapasan
Siyang saksi ng pagsintang mandi’y walang kamatayan
Pinakamamahal kita’t pinaka-iibig sa buhay
Araw-gabi’y alipin mo yaring pusong tinataglay
Batid ng Diyos sakdal wagas ang handog kong pagmamahal
Ubod banal at dakila magpahanggang sa libingan
Kung magtataksil ka man mutya at tuluyang kalimutan
Yaring abang humuhibik sa angkin mong katangian
At talikdan ang pangako at sumpang binitiwan
Magtitiis pa rin akon kahit bunga’y kamatayan
Langit pa ring itinuturing kung sakali’t pagtataksilan
Malagot man ang hininga’y aariing kasiyahan
Basta’t hawak mo na sinta “album” ng katibayan
Katibayang nagsasabing ako’y tapat sa suyuan
Kaibayang nakaukit sa gunita’t alaala
Na ang iyong kinakasi’y may pagsintang darakila
Na siya’y handing magtitiis kung ikaw ay liligaya
Na hindi siya magbabago bawian man ng hininga.
Thursday, November 5, 2009
Tunay Na Pag-Ibig By: Martin Ibarra
Posted by chato_quicho at 1:46 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment